Sergei Eisenstein
Si Sergei Mikhailovich Eisenstein[a] (Enero 22 / Enero 10, 1898 – Pebrero 11, 1948) ay isang direktor ng pelikulang Sobyetiko, tagasulat ng script, namamatnugot ng pelikula at teorista ng pelikula na ipinanganak sa Latvia. Itinuturing na isa sa mga pinakadakilang tagagawa ng pelikula sa lahat ng panahon, siya ay isang tagapanguna sa teorya at praktika ng montage.[2] Kilala siya lalo na sa kaniyang mga pelikulang tahimik na Strike (1925), Battleship Potemkin (1925) at October (1928), pati na rin sa mga makasaysayang epikong Alexander Nevsky (1938) at Ivan the Terrible (1945/1958). Sa botohan nito kada dekada, pinangalanan ng magasin na Sight and Sound ang kaniyang Battleship Potemkin bilang ika-54 na pinakamahusay na pelikula sa buong panahon.[3]
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Sergei Eisenstein ay ipinanganak noong Enero 22 / Enero 10 sa Riga, sa Gobyernasyon ng Livonia, Imperyong Ruso (kasalukuyang Latvia),[4][5] sa isang pamilyang nasa gitnang uri. Madalas lumipat ang kaniyang pamilya noong mga unang taon niya, gaya ng patuloy na ginagawa ni Eisenstein sa buong buhay niya. Ang kaniyang ama, ang arkitekto na si Mikhail Osipovich Eisenstein, ay ipinanganak sa Belaya Tserkov sa Gobernasyon ng Kiev, sa isang pamilyang Hudyo.[6][7][8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ /ˈaɪzənstaɪn/;[1] Ruso: Сергей Михайлович Эйзенштейн, romanisado: Sergey Mikhaylovich Eyzenshteyn, lit. na 'sʲɪrˈɡʲej mʲɪˈxajləvʲɪtɕ ɪjzʲɪnˈʂtɛjn'; Padron:Family name explanation/core
<ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2
- ↑ "Eisenstein". "Dictionary.com Unabridged". Random House.
- ↑ Rollberg, Peter (2009). Historical Dictionary of Russian and Soviet Cinema. US: Rowman & Littlefield. pp. 204–210. ISBN 978-0-8108-6072-8.
- ↑ "The Greatest Films of All Time". BFI (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 October 2025.
- ↑ Mitry, Jean (7 February 2020). "Sergey Eisenstein – Soviet film director". Encyclopaedia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 May 2019. Nakuha noong 18 March 2020.
- ↑ "Sergei Eisenstein – Russian film director and film theorist. Biography and interesting facts". 22 July 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 July 2021. Nakuha noong 9 November 2018.
- ↑ "Зашифрованное зодчество Риги". АЛЕФ. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 April 2019.
- ↑ Роман Соколов, Анна Сухорукова «Новые данные о предках Сергея Михайловича Эйзенштейна» Naka-arkibo 21 March 2017 sa Wayback Machine.: «Киноведческие записки» 102/103, 2013; стр. 314—323.
- ↑ "Russland-Aktuell - Michail Eisenstein". www.aktuell.ru. Nakuha noong 11 June 2025.