Wikimedia Commons
The Wikimedia Commons logo, SVG version. | |
Unang pahina ng Wikimedia Commons noong 2024 | |
Uri ng sayt | Imbakan ng midya |
|---|---|
| Mga wikang mayroon | Maraming mga wika |
| Itinatag | 7 Setyembre 2004 |
| Bansang pinagmulan | internationality |
| May-ari | Pundasyong Wikimedia |
| Lumikha | Kilusang Wikimedia |
| URL | commons.wikimedia.org |
| Pang-komersiyo? | Hindi |
| Pagrehistro | Opsiyonal (kailangan kung magkakarga ng mga midyang talaksan) |
| Kasalukuyang kalagayan | Aktibo |
Lisensiya ng nilalaman |
|
Ang Wikimedia Commons (tinatawag ding Wikicommons o Commons sa payak na katawagan) ay isang imbakan ng mga midya na nakabase sa teknolohiyang wiki. Imbakan ito ng mga larawan, tunog, video, at iba pang mga talaksang multimidya na magagamit ninuman sa anumang layunin.[1] Proyekto ito ng Pundasyong Wikimedia.
Nagagamit ang mga talaksang ikinarga sa imbakan sa lahat ng mga ibang proyekto ng Wikimedia[2] sa iba-ibang mga wika, kabilang ang Wikipedia, Wikivoyage, Wikisource, Wikiquote, Wiktionary, at Wikibooks. Maaari ding i-download ang mga talaksan na ito para magamit offline. Magmula noong Mayo 2026, may higit na 141 milyong mga talaksan ang proyekto. Pinangangasiwaan at maaaring baguhin ng nakatala at boluntaryong mga tagagamit ang mga talaksan na ito.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Erik Möller ang nagmungkahi ng proyektong ito noong Marso 2004.[4] Sinimulan ang Wikimedia Commons noong ika-7 ng Setyembre 2004.[5][6] Noong Hulyo 2013, umabot sa 100,000,000 ang bilang ng mga pagbabago sa Commons.[7] Noong 2018, naging posible ang pagkarga ng mga modelong 3D sa website sa pamamagitan ng STL na format. Isa sa unang mga modelong ikinarga sa Commons ay ang muling pagbuo ng estatwa ng Leon ng Al-lāt sa Palmyra, Sirya, na napinsala sa kamay ng mga militanteng ISIS noong 2015.[8]

Nagkarga ang samot-saring mga kilalang organisasyon ng mga talaksan sa Commons. Noong 2012, nagkarga ang National Archives and Records Administration ng Estados Unidos ng 100,000 mga larawang na-digitize mula sa kanilang koleksiyon.[9] Noong 2020, sinimulan ng Dihital na Pampublikong Aklatan ng Amerika (DPLA) ang pagkarga ng kanilang mga kalipunan sa Commons.[10] Noong 2022, nakapagkarga ang DPLA ng mahigit dalawang milyong mga talaksan.[11] Gayundin, nakapagpamahagi ang Europeana, isang website na pinagsasama-sama ang pamanang pangkalinangan ng Europa, ng kanilang mga larawang na-digitize sa Commons.[12] Noong panahon ng pandemyang COVID-19, nakapagkarga ang Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ng kanilang mga infographic na "Mythbusters" sa Commons bilang bahagi ng pakikipagtulungan sa Wikimedia.[13]
Paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Madalas na ginagamit ng samot-saring mga website ang mga nilalaman ng Wikimedia Commons, dahil sa mga patakaran na nagpapahintulot lamang sa pagkakaroon ng mga larawan at midya na maaaring nasa malayang lisensiya o wala nang taglay na karapatang-sipi. Ayon sa pananaliksik na isinagawa noong Setyembre 2019, higit 50% ng mga larawang ginamit ng mga website na iyon ay nagpapakita ng mga tao, 15% ng mga larawan ay nagpapakita ng mga kaganapan sa kasaysayan o nakaraan, at 10% ng mga larawan ay nagpapakita ng mga gusali.[14] Ginagamit na rin ang mga midya sa Commons bilang datos sa pagsasanay ng mga modelong teksto-sa-larawan ng artipisyal na katalinuhan (AI), na nagdulot ng 50% pagtaas sa pagkonsumo ng bandwidth mula pa noong Enero 2024.[15]
Ugnayan sa mga kapatid na proyekto ng Wikimedia
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang nakasaad na layunin ng Wikimedia Commons ay makapaghatid ng isang imbakan ng mga midyang talaksan "para may mapagkuhanan ang lahat ng nakapagtuturong midya na nasa pampublikong dominyo at lisensiyado nang malaya, at nagsisilbing komun na imbakan para sa samot-saring mga proyekto ng Pundasyong Wikimedia."[16]
Nagpapahintulot pa rin ang karamihan sa mga proyektong Wikimedia ng lokal na mga upload na hindi lumilitaw sa ibang mga proyekto o lengguwahe, ngunit pangunahing ginagamit ang opsiyon na ito sa mga nilalaman na pinapayagan ng mga patakarang lokal pero hindi pinapayagan ng patakaran ng Commons sa karapatang-sipi, tulad ng mga nilalamang nasa patas na paggamit. Dahil dito, tinatanggal ng pamunuan ng Wikimedia Commons ang mga paglabag sa karapatang-sipi at nilalayon nitong makapag-host lamang ng mga midyang nasa malalayang mga lisensiya, tulad ng Creative Commons Attribution at Creative Commons Attribution-ShareAlike,[17] ibang mga lisensiya ng malayang nilalaman at malayang software, at midyang nasa pampublikong dominyo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Endres, Joe (May 2006). "Wiki websites wealth of information". International News on Fats, Oils and Related Materials (Periodical). 17 (5). Champaign, Illinois: 312. ISSN 0897-8026. ProQuest 223600210. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 10, 2021. Nakuha noong Agosto 6, 2007.
- ↑ "Embedding Commons' media in Wikimedia projects". Wikimedia Commons. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 26, 2018. Nakuha noong Agosto 7, 2007.
- ↑ Statistics page on Wikimedia Commons
- ↑ Möller, Erik (Marso 19, 2004). "[Wikipedia-l] Proposal: commons.wikimedia.org". Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 9, 2013. Nakuha noong Agosto 7, 2007.
- ↑ "Main Page". Wikimedia Commons. Setyembre 7, 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 5, 2015. Nakuha noong Agosto 7, 2007.
- ↑ "Wikimedia Commons: Über 100.000 freie Bilder, Töne und Filme" (sa wikang Aleman). Golem.de. Mayo 25, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 26, 2018. Nakuha noong Agosto 7, 2007.
- ↑ ÄŒesky (Hulyo 15, 2013). "100,000,000th edit". Commons.wikimedia.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 8, 2023. Nakuha noong Agosto 22, 2013.
- ↑ "Wikipedia goes 3D allowing users to upload .stls for digital reference". 3D Printing Industry (sa wikang Ingles). Pebrero 22, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 8, 2022. Nakuha noong Marso 8, 2022.
- ↑ Schultz, Colin. "The National Archives Wants to Put Its Whole Collection on Wikimedia Commons". Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 6, 2022. Nakuha noong Marso 6, 2022.
- ↑ "DPLA cultural artifacts coming to Wikipedia through new collaboration with Wikimedia Foundation". Digital Public Library of America (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 31, 2022. Nakuha noong Marso 6, 2022.
- ↑ "Commons:Digital Public Library of America - Wikimedia Commons". commons.wikimedia.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong November 24, 2022. Nakuha noong Disyembre 22, 2022.
- ↑ "Europeana and Wikimedia partnership update". Europeana Pro (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 12, 2022. Nakuha noong Marso 6, 2022.
- ↑ McNeil, Donald G. Jr. (Oktubre 22, 2020). "Wikipedia and W.H.O. Join to Combat Covid-19 Misinformation". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 27, 2020. Nakuha noong Marso 6, 2022.
- ↑ Kelly, Elizabeth (Setyembre 11, 2019). "Reuse of Wikimedia Commons Cultural Heritage Images on the Wider Web". Evidence Based Library and Information Practice. 14: 28–51. doi:10.18438/eblip29575.
- ↑ Sawers, Paul (Abril 2, 2025). "AI crawlers cause Wikimedia Commons bandwidth demands to surge 50%". TechCrunch (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hulyo 28, 2026.
- ↑ "Commons:Project scope". Wikimedia Commons. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 21, 2023. Nakuha noong Nobyembre 15, 2021.
- ↑ "About The Licenses - Creative Commons". creativecommons.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 26, 2015. Nakuha noong Oktubre 22, 2021.