Imperyong Seljuk
Ang Imperyong Seljuk o ang Dakilang Imperyong Seljuk,[1][a] ay isang imperyong mataas na medyebal, kultural na Turkopersa[4][5][6] na itinatag at pinamunuan ng sangay ng Qïnïq ng mga Turkong Oghuz.[7] Ang imperyo ay sumasaklaw sa kabuuang lawak na 3.9 milyon kilometro kuwadrado (1.5 milyon milya kuwadrado) mula Asya Menor at Levante sa kanluran hanggang sa Hindu Kush sa silangan, at mula sa Gitnang Asya sa hilaga hanggang sa Golpong Persiko sa timog, at sumasaklaw sa panahong 1037–1308, bagaman natapos ang pamamahala ng Seljuk sa kabila ng peninsula ng Anatolia noong 1194.
Ang Imperyong Seljuk ay itinatag noong 1037 nina Tughril (990–1063) at ng kaniyang kapatid na si Chaghri (989–1060), na kapuwa namahala sa mga teritoryo nito; may mga indikasyon na ang pamunuan ng Seljuk ay gumana bilang isang triyumbirado at sa gayon ay kasama si Musa Yabghu, ang tiyuhin ng dalawang nabanggit.[8]
Sa panahon ng pagbuo ng imperyo, ang mga Seljuk ay unang sumulong mula sa kanilang mga orihinal na tinubuang-bayan malapit sa Dagat Aral patungong Khorasan at pagkatapos ay sa kalupaan ng Iran, kung saan sila ay higit na nakabatay sa isang lipunang Persianada. Pagkatapos ay lumipat sila pakanluran upang sakupin ang Baghdad, na pinunan ang kawalan ng kapangyarihan na nilikha ng mga pakikibaka sa pagitan ng Arabong Kalipatong Abasida at ng Imperyong Buyid ng Iran.
Ang kasunod na pagpapalawak ng Seljuk sa silangang Anatolia ay nagdulot ng mga Digmaang Bisantino–Seljuk, kung saan ang Labanan sa Manzikert noong 1071 ang nagmarka ng isang mapagpasyang punto ng pagbabago sa tunggalian pabor sa mga Seljuk, na nagpahina sa awtoridad ng Imperyong Bisantino sa mga natitirang bahagi ng Anatolia at unti-unting nagbigay-daan sa Turkipikasyon ng rehiyon.
Pinag-isa ng Imperyong Seljuk ang pira-pirasong politikal na tanawin sa mga hindi Arabong silangang bahagi ng kamunduhang Muslim at gumanap ng mahalagang papel sa Una at Ikalawang Krusada; saksi rin ito sa paglikha at pagpapalawak ng maraming kilusang artistiko sa panahong ito.[9] Noong 1141, ang Imperyong Seljuk ay dumanas ng isang mapaminsalang pagkatalo sa Labanan sa Qatwan laban sa Kanlurang Dinastiyang Liao, na nagresulta sa pagkawala ng malalawak na teritoryo sa silangan.[10] Ang pagkatalong ito ay lubos na nagpahina sa imperyo, na nagdulot ng panloob na pagkakahati at nagpabilis sa pagbagsak nito. Ang mga Seljuk ay kalaunan ay napalitan sa silangan ng Imperyong Khwarazmian noong 1194 at sa kanluran ng mga Zengid at Ayyubid. Ang huling natitirang sultanato ng Seljuk na bumagsak ay ang Sultanato ng Rum, noong 1308.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tagapagtatag ng dinastiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang nagtatag ng dinastiya ay si Seljuk, isang panginoon ng digmaan, na kabilang sa tribong Qïnïq ng mga Turkong Oghuz.[11] Pinangunahan niya ang kaniyang angkan sa mga pampang ng ilog Syr Darya, malapit sa lungsod ng Jend, kung saan sila nagbalik-loob sa Islam noong 985.[8] Ang Khwarezm, na pinamumunuan ng mga Ma'munid, ay nasa ilalim ng nominal na kontrol ng Imperyong Samanida.[8] Pagsapit ng 999, ang mga Samanida ay bumagsak na sa kamay ng Kanatong Kara-Khanid sa Transoxiana, habang ang mga Ghaznavid ay sinakop ang mga lupain sa timog ng Amu Darya.[12] Sinuportahan ng mga Seljuk ang huling emir ng Samanida laban sa mga Kara-Khanid bago nagtatag ng isang malayang base.[8]
Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Para magpagkaiba ito mula sa Anatoliyang sangay ng Dinastiyang Seljuk, ang Sultanato ng Rum.[2][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ See:
- ↑ Mecit 2014, p. 128.
- ↑ Peacock & Yıldız 2013, p. 6.
- ↑ Luttwak, Edward N. (15 November 2009). The Grand Strategy of the Byzantine Empire (sa wikang Ingles). Harvard University Press. p. 162. ISBN 978-0-674-05420-2.
...to confront the rising power of the Seljuk Turk empire. In what is known as the Battle of Manzikert...
- ↑ See:
- ↑ "Seljuk Turks | History | Research Starters | EBSCO Research". EBSCO (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-07-24.
- ↑ • Jackson, P. (2002). "Review - The History of the Seljuq Turkmens: The History of the Seljuq Turkmens". Journal of Islamic Studies. 13 (1): 75–76. doi:10.1093/jis/13.1.75.
• Bosworth, C. E. (2001). - 1 2 3 4 Peacock 2015.
- ↑ Bloom, Jonathan M.; Blair, Sheila S. (2009), "Saljuq", The Grove Encyclopedia of Islamic Art and Architecture (sa wikang Ingles), Oxford University Press, doi:10.1093/acref/9780195309911.001.0001, ISBN 978-0-19-530991-1, nakuha noong 2023-01-01
{{citation}}: CS1 maint: work parameter with ISBN (link) - ↑ Biran 2005.
- ↑ Johanson & Johanson 2015.
- ↑ Frye 1975.