Alexander Pushkin
| Alexander Pushkin | |
|---|---|
Portrait by Orest Kiprensky, 1827 | |
| Kapanganakan | 6 Hunyo 1799 Mosku, Rusya |
| Kamatayan | 10 Pebrero 1837 (37 taong gulang) San Petersburgo, Rusya |
| Kinatutuluyan | Svyatogorsky Monastery, Pushkinskiye Gory |
| Trabaho |
|
| Wika | Ruso, Pranses |
| Edukasyon | Tsarskoye Selo Lyceum |
| Panahon | Golden Age of Russian Poetry |
| Kaurian |
|
| Kilusang pampanitikan | |
| (Mga) asawa | Natalia Goncharova (k. 1831) |
| (Mga) anak | 4, including Natalia |
| (Mga) kamag-anak | Gannibal family (maternal) |
| Lagda | |
Si Alexander Sergeyevich Pushkin[a][b] (Hunyo 6 1799 – Pebrero 10, 1837) ay isang Rusong makata, mandudula, at nobelista ng panahong Romantiko.[3] Siya ay itinuturing ng marami bilang ang pinakadakilang makata ng Russia,[4][5][6][7] pati na rin ang nagtatag ng modernong panitikang Ruso.[8][9]
Si Pushkin ay ipinanganak sa maharlikang Ruso sa Mosku.[10] Ang kaniyang ama, si Sergey Lvovich Pushkin, ay kabilang sa isang matandang maharlikang pamilya. Isa sa kaniyang mga lolo sa tuhod sa ina ay si Abram Petrovich Gannibal, isang maharlika at heneral militar na may lahing Aprikano na dinukot mula sa kaniyang tinubuang-bayan ng mga Otomano, pagkatapos ay pinalaya ni Pedro ang Dakila at pinalaki sa sambahayan ng korte ng Emperador bilang kaniyang inaanak.
Inilathala ni Pushkin ang kaniyang unang tula sa edad na 15, at malawak na kinilala ng mga manunulat noong siya ay nagtapos sa Tsarskoye Selo Lyceum. Pagkatapos ng kanyang pagtatapos sa Lyceum, binigkas ni Pushkin ang kaniyang kontrobersiyal na tulang "Oda sa Kalayaan", isa sa ilang dahilang humantong sa kaniyang pagkatapon sa ilalim ni Emperador Alejandro I. Habang nasa ilalim ng mahigpit na pagmamatyag ng pulisyang pampulitika ng Emperador at hindi makapaglathala, isinulat ni Pushkin ang kanyang pinakatanyag na dula, ang Boris Godunov. Ang kaniyang dakilang opus na nobelang taludtod na Eugene Onegin ay inilathala nang serye sa pagitan ng 1825 at 1832. Si Pushkin ay malubhang nasugatan sa isang duwelo laban sa umano'y kasintahan ng kaniyang asawa (asawa ng kaniyang kapatid na babae), si Georges-Charles de Heeckeren d'Anthès, kilala rin bilang Dantes-Gekkern, isang opisyal na Pranses na naglilingkod sa Rusong Chevalier Guard Regiment.
Lipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang ama ni Pushkin, si Sergei Lvovich Pushkin (1767–1848), ay nagmula sa isang kilalang pamilya ng mga maharlikang Ruso na nagmula pa noong ika-12 siglo.[11] Ang ina ni Pushkin, si Nadezhda (Nadya) Ossipovna Gannibal (1775–1836), ay nagmula sa kanyang lola sa ama mula sa maharlikang Aleman at Escandinavo.[12][13] Siya ay anak na babae nina Ossip Abramovich Gannibal (1744–1807) at ng kaniyang asawang si Maria Alekseyevna Pushkina (1745–1818).
Ang ama ni Ossip Abramovich Gannibal, ang lolo sa tuhod ni Pushkin, ay si Abram Petrovich Gannibal (1696–1781), isang Aprikanong sundalo na dinukot at dinala sa Constantinopla bilang regalo para sa Otomanong Sultan at kalaunan ay inilipat sa Russia bilang regalo para kay Pedro ang Dakila. Sumulat si Abram sa isang liham kay Emperatris Elizabeth, anak na babae ni Pedro ang Dakila, na siya ay mula sa bayan ng "Lagon", pangunahin na batay sa isang mitikal na talambuhay ng manugang ni Gannibal na si Rotkirch.
Nang sinaliksik ni Vladimir Nabokov ang Eugene Onegin, ay nagbigay ng matinding pagdududa sa teoryang ito ng pinagmulan. Ang mga sumunod na pananaliksik ng mga iskolar na sina Dieudonné Gnammankou at Hugh Barnes ay kalaunan ay napatunayang si Gannibal ay ipinanganak sa Gitnang Aprika, sa isang lugar na nasa hangganan ng Lawa ng Chad sa modernong Cameroon.[14][15] Pagkatapos ng edukasyon sa Pransiya bilang isang inhenyero militar, si Gannibal naging gobernador ng Reval at kalaunan ay Général en Chief (ang pangatlong pinakamatataas na ranggo ng hukbo) na namamahala sa pagtatayo ng mga kuta at kanal sa dagat sa Russia.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Weststeijn, Willem G. (2004). "Pushkin between Classicism, Romanticism and Realism". Two Hundred Years of Pushkin, Volume III. pp. 47–56. doi:10.1163/9789004484054_007. ISBN 978-90-04-48405-4.
- ↑ "Pushkin". Random House Webster's Unabridged Dictionary.
- ↑ Basker, Michael.
- ↑ Short biography from University of Virginia Naka-arkibo 1 April 2019 sa Wayback Machine..
- ↑ Allan Reid, "Russia's Greatest Poet/Scoundrel".
- ↑ "Pushkin fever sweeps Russia".
- ↑ "Biographer wins rich book price".
- ↑ Biography of Pushkin at the Russian Literary Institute "Pushkin House" Naka-arkibo 2009-01-02 sa Wayback Machine..
- ↑ Maxim Gorky, "Pushkin, An Appraisal".
- ↑ "Alexander Sergeevich Pushkin - Russian famous poet. Biography and interesting facts about his life". 7 July 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 April 2019. Nakuha noong 14 January 2019.
- ↑ Н.
- ↑ Лихауг [Lihaug], Э.Г. [E.G.] (November 2006). "Предки А.С. Пушкина в Германии и Скандинавии(предположительно): происхождение Христины Регины Шёберг (Ганнибал) от Клауса фон Грабо из Грабо [Ancestors of A.S. Pushkin in Germany and Scandinavia: Descent of Christina Regina Siöberg (Hannibal) from Claus von Grabow zu Grabow]". Генеалогический вестник. 27. Saint Petersburg: 31–38.
- ↑ Lihaug, Elin Galtung (2007). "Aus Brandenburg nach Skandinavien, dem Baltikum und Rußland. Eine Abstammungslinie von Claus von Grabow bis Alexander Sergejewitsch Puschkin 1581–1837". Archiv für Familiengeschichtsforschung. 11: 32–46.
- ↑ New Statesman. New Statesman Limited. 2005. p. 36. Nakuha noong 7 January 2015.
- ↑ Catharine Theimer Nepomnyashchy; Nicole Svobodny; Ludmilla A. Trigos, mga pat. (2006). Under the Sky of My Africa: Alexander Pushkin and Blackness. Northwestern University Press. p. 31. ISBN 0810119714. Nakuha noong 7 January 2015.
- ↑ The first name is also transliterated as Aleksandr. Padron:Family name explanation/core
- ↑ Ingles /ˈpʊʃkɪn/;[2] Ruso: Александр Сергеевич Пушкин, IPA: [ɐlʲɪkˈsandr sʲɪrˈɡʲe(j)ɪvʲɪtɕ ˈpuʂkʲɪn] ⓘ
<ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2